Saturday, July 13, 2013

Panibagong Simula!

Mga kaibigan,

Ang nilalaman po ng blog na ito ay akin na pong ililipat sa panibagong blog na may titulong "liwanagnicristo.blogspot". Halos wala rin pong ganung mababago sa disensyo nito, subalit may mga karagdagang nilalaman po ang maidadagdag dito kabilang na ang mga libreng librong tumatalakay sa paniniwalang Katoliko, maging mga serye ng katuruan at pananalita na ibinigay ng mga kilalang Katoliko't hindi na naglalayong maituro ang tungkol sa paniniwalang Kristyano. Umaasa po ako na inyo rin pong susubaybayan ang naturang blog. Muli, nakasalin po ito sa Tagalog at hindi pa po ito ganun masyadong kumpleto pero akin pong susubukang tapusin ito at paglaanan na din ng sapat na panahon. Ang inyo pong lingkod ay humihingi lamang ng suporta na sanay inyo rin pong suportahan ako sa pamamagitan ng pagclick sa mga google adsense na nakalagay sa naturang bagong blog, dito ang akin pong malilikom na pera ay akin din pong gagamitin para pambili ng karadagang libro at iba pangbabasahin na makakatulong para mapalawak pa ang saklaw ng reperensya na aking pong mailalagay dito na magiging batayan ng mga diskursyong ibibigay dito. Nawa'y maging maayos at maganda ang atin pong magiging panimulain. Salamat at pagpalain nawa tayo ng buong Maykapal. 

No comments:

Post a Comment